Saturday, October 31, 2015












https://www.facebook.com/pinoyrapradio/photos/a.437704916289787.107216.437018853025060/1065993066794299/?type=3

Saturday, August 29, 2015

Pilipinas kong mahal

Masarap mabuhay sa bansa kong Pilipinas pero sa kabila ng lahat sagana naman ang holdapan lalo na na sa siyudad,kidnaping ay ganun din.Trapiko ay sobra sobra.Di alam ng gobyerno kung ano ang solusyon sa bagay na ito hay....buhay pilipinas...... experimento dito experimento doon pero walang epektibo.Kriminalidad  at kahirapan  ay sobra din.Pasalamat tayo sa CCTV at kahit papaano may solusyon tayo sa lahat ng katiwalian.ditolangyansapinas

Saturday, March 24, 2012

Uri ng Tao sa mundo

Heto na ang halimbawa

1.May manloloko at may nagpapaloko
2.May magnanakaw at may nagpapanakaw





Laglag barya gang ...isang eksena

          23 ng Marso 2012 alas 3:30 ng umaga aking nasaksihan ang isang modus operandi ng isang laglag barya gang.Pauwi na ako galing sa trabaho at sumakay sa isang bus diyan sa ayala patungong coastal mall.Sa bandang gitna ako sumakay at payapa naman ang aking biyahe.Mayroon sumakay sa Pasay road na tatlo o apat yata na kalalakihan at naupo sa hiwahiwalay na pwesto.Bago sumapit ang Taff bigla na lamang kinapkapan ang isang pasahero ng pantalon hanggang sapatos.Tinanggal ng isang lalaki ang isang sapatos ng biktima at kunwari ay may hinahanap na barya.Natanggal ang sapatos at gumulong ang pera.Kinuha ng kawatan ang barya sabay alis na parang walang nangyari.
          Sinundan ko ng tanaw ang mga kawatan at pagbaba ng bus ay pawang mga nakangiti at ang isa ay nag alis ng  damit kaagad agad.Hindi ako maka react dahil sa takot baka ako ang balingan habang nagaganap ang panloloko.
         Kinausap ko kaagad ang biktima at sabing brod dinukutan ka ng mga iyon.Tingnan mo ang cellphone mo baka nakuha nila.Presto.... nakuha nga ang cellphone.Kawawang Binatilyo walang nagawa kundi pagmasdan ang mga kawatan sa naglalakad palayo.Maging ako wala ring nagawa.Kaya ingat ingat mga kabayan lalong lalo na sa Baclaran taff hannggang Ayala dahil diyan ang kanilang ruta sa panloloko.Tamaan sana kayo ng kidlat at matiyempuhan ng mga pulis at pagbabarilin para mabawasan man lang ang mga walanghiya sa dakong iyan.muli ingat ingat..........ditolangyansapinas.
       
     

Wednesday, January 18, 2012

Pagbubunga

Ewan ko ba kung kaylan ako uunlad,iyan ang malimit kong itanong sa aking sarili.Bakit yung iba kay agang umasenso at umunlad at  sa wari ko'y sa akin ay malayo pa.
Ngunit napagtanto ko na hindi dapat ako maligalig kung kaylan ako aasenso at uunlad sa buhay na ito dahil ang pag asenso ay panapahon lamang tulad ng isang bunga.
Tapos ka man ng kolehiyo sa isang universidad ngunit may panahon na kay lupit sa iyo ng tadhana.Wala kang makitang maayos na trabaho at kung meron man ay hindi angkop o di sapat sa pangangailangan mo lalo pa at sa iyo umaasa ang iyong pamilya.Huwag kang mainip kaibigan dahil ganyan ang buhay sa mundo ....panapanahon lamang iyan at kung dumating na ang panahon mo...... sigla at liglig ang madarama mo.Para kang puno na namumunga.
Ganyan din ang mga punong kahoy.May namumunga kahit bata pa ang puno at yung iba mamumunga lamang kapag matanda na.Pana panahon lamang talaga gaya ng sa atin buhay.Hindi pwedeng magsasabay magbunga ang lahat ng puno at kung mangyari iyun natitiyak ko lagot tayong nilalang dahil pag nagka ganoon sabay sabay din hindi magbubunga ang mga iyan at ang mangyayari magugutom ang tao sa mundo.Samakatuwid ang pagbubunga ng punong kahoy ay halimbawa lamang ng isang karera  o propesyon  sa buhay ng isang tao.Kung hindi mo pa panahon hindi ka magbubunga.Hintayin ang panahon mo at huwag mong pilitin at natitiyak ko masisiyahan ka pagsapit niya basta magsikap ka.ditolangyansapinas.